Ipinahayag Huwebes, Marso 2, 2018, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na patuloy na igigiit ng kanyang bansa, kasama ng mga may-kinalamang bansa na gaya ng Malaysia at Thailand, ang simulain ng magkakasamang pagtalakay, pagtatatag at pagtatamasa ng benepisyo. Palalalimin din aniya ang kooperasyon sa Belt and Road, at palalawakin ang mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, upang maisakatuparan ang mas magandang komong kaunlaran at kasaganaan.
Noong Pebrero 28, ipinahayag ni Sontirat Sontijirawong, Ministro ng Komersyo ng Thailand, na ang Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina ay nakapaghatid ng mas maraming pagkakataong pangkaunlaran sa Thailand. Halimbawa, ang konstruksyon ng proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Thailand sa daambakal ay isa sa mga bunga nito. Ani Hua, may katulad ding positibong pahayag si Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia ukol sa Belt and Road cooperation.
Salin: Vera