Napakaraming dahilan para maging "happy" ang buong Sambayanang Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque sa isinagawang briefing sa Philippine media sa Hong Kong.
Ayon kay Roque, maraming pasalubong ang pangulo na ikasisiya ng sambayanan mula sa kanyang biyahe sa Boao Forum for Asia, sa Hainan Tsina tulad ng 9.5 billion peso investment, 10,800 na bagong trabaho, 500 million na aid, 100,000 English teachers na makakapagtrabaho sa Tsina at iba pang tulong na ibibigay ng Tsina sa Pilipinas.
Maliban dito, binigyang diin ni Roque na magandang biyaya din ang mabuting pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas na napagtibay sa biyaheng ito ng Pangulong Duterte.
Ulat ng DZME