|
||||||||
|
||
Pyongyang, Hilagang Korea—Ipinangako ni Kim Jong Un, Kataaas-taasang Lider ng Hilagang Korea (DPRK), na isusulat, kasama ng Tsina ang bagong kabanata ng pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ito ang ipinahayag ni Kim sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Abril 14, 2018, kay Song Tao, Puno ng Departamento ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Si Song ay namuno rin sa delegasyon ng mga alagad ng sining ng Tsina na lumahok sa "Spring of April" International Friendship Art Festival na ginanap sa Pyongyang.
Ipinahayag din ni Kim, na sa kanyang makasaysayang pagdalaw sa Tsina kamakailan, isinagawa nila ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang makabuluhan at mabungang pag-uusap. Ipinagdiinan din niyang sa mahalagang panahon kung saan naiangat sa bagong yugto ang ugnayang pangkaibigan ng Tsina at Hilagang Korea, ang pagdalaw ng nasabing delegasyong Tsino ay ibayo pang magpapatibay sa pundasyon ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sina Ri Sol Ju (kanan), asawa ni Kim Jong Un, Kataas-taasang Lider ng Hilagang Korea at Song Tao (kaliwa), dumadalaw na Puno ng Departamento ng Ugnayang Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) habang pumapalakpak sa ballet performance ng mga alagad ng sining ng Tsina, sa Pyongyang, DPRK, Abril 14, 2018. (Xinhua/Yao Dawei)
Ang mga alagad ng sining habang nagtatanghal ng ballet sa Pyongyang, DPRK, Abril 14, 2018. (Xinhua/Yao Dawei)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |