Idinaos kahapon, Biyernes, ika-23 ng Marso 2018, sa Seoul, Timog Korea, ang pulong ng mga punong negosyador ng ika-13 round ng talastasan hinggil sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Hapon, at T.Korea.
Nagpalitan ng palagay ang tatlong panig, hinggil sa pagpapasulong sa pagtamo ng mas malaking progreso sa mga mahalagang paksa ng talastasan, na gaya ng kalakalan ng paninda, kalakalan ng serbisyo, at pamumuhunan.
Ipinalalagay din nilang, ang pagtapos ng nabanggit na talastasan sa lalong madaling panahon ay angkop sa komong interes ng tatlong panig. Ito rin anila ay mahalaga para sa pagpapalalim ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan, at pagsasakatuparan ng mas malaya at maginhawang kalakalan at pamumuhunan sa Silangang Asya.
Salin: Liu Kai