Beijing, Tsina—Nakipagtagpo dito Martes, Abril 17, 2018, si Wang Qishan, Pangalawang Pangulo ng Tsina, sa delegasyon ng Partido Komunista ng Biyetnam na pinamumunuan ni Nguyen Van Binh, Kagawad ng Pulitburo, Kalihim ng Sekretaryat, at Ministro ng Kabuhayan ng Komite Sentral ng nasabing partido.
Sina Wang Qishan (kanan) at Nguyen Van Binh (kaliwa)
Ipinahayag ni Wang na bilang dalawang sosyalistang bansa, ang Tsina at Biyetnam ay kabilang sa community with a shared future na may estratehikong katuturan at napakalaki ng nakatagong lakas ng kooperasyon ng kapuwa panig. Dapat aniyang ipatupad ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, likhain ang mainam na kapaligiran, mabisang itatag ang Belt and Road, dalawang economic corridor at isang economic circle, para walang humpay na mapaunlad ang komprehensibo, estratehiko't kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Nguyen na ang napakalaking tagumpay ng reporma at pagbubukas ng Tsina ay nagkaloob ng mabuting karanasan sa Biyetnam. Nakahanda aniyang patuloy na palalimin ang pragmatikong kooperasyon ng kapuwa panig sa iba't ibang larangan.
Salin: Vera