|
||||||||
|
||
Fuzhou — Mula Abril 22 hanggang 24, 2018, idaraos ang Unang Digital China Summit. Ipinadala ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, ang mensahe bilang taos-pusong pagbati sa pagdaraos ng summit, at mainit na pagtanggap sa paglahok dito ng mga personahe ng iba't-ibang sirkulo ng bansa.
Sa mensahe, tinukoy ni Xi na sa kasalukuyang daigdig, mabilis na umuunlad ang inobasyon ng teknolohiya ng impormasyon. Aniya, napapatingkad ng digitization, networking, at intelligentization ang pahalaga nang pahalagang papel sa aspekto ng pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, pagpapasulong ng modernisasyon ng sistema at kakayahan ng pagsasaayos ng bansa, at pagbibigay-kasiyahan sa lumalaki nang lumalaking pangangailangan ng mga mamamayan para sa magandang pamumuhay.
Ang tema ng nasabing summit ay "Pagpapasulong ng Modernisasyon sa Pamamagitan ng Pagsasa-impormasyon, at Pagpapabilis ng Konstruksyon ng Digital China." Idinesplay sa summit ang mga pinakahuling bungang natamo ng Tsina sa e-Government at Digital Economy.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |