Martes ng gabi, Oktubre 31, 2017, nakipagtagpo dito sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Dimitry Medvedev, dumadalaw na Punong Ministro ng Rusya.
Binigyan ng mataas na pagtasa ng mga punong ministro ang mainam na pag-unlad ng relasyong Sino-Ruso.
Ipinahayag ni Li na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Ruso, na patibayin ang pagtitiwalaan, palawakin ang kooperasyon, at pahigpitin ang pagpapalitan. Aniya, sa pamamagitan ng regular na pagtatagpo ng mga punong ministro ng dalawang bansa at mekanismo ng kooperasyon sa iba't ibang larangan, pasusulungin ang pagiging katotohanan ng mas maraming ekspektasyong pangkooperasyon ng dalawang bansa, pananatilihin ang malusog at matatag na pag-unlad ng kanilang relasyon, at ihahatid ang mas maraming benepisyo sa kani-kanilang mga mamamayan.
Nagpahayag naman si Medvedev na handa ang panig Ruso na ibayo pang paunlarin, kasama ng panig Tsino, ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Vera