|
||||||||
|
||
Sinimulan ngayong araw, Miyerkules, Abril 25, 2018 ni Lam Cheng Yuet-ngor, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang kanyang bihaye sa Indonesia.
Bago siya lumisan ng HK, sinabi ni Lam na mahalaga ang kanyang pagdalaw sa Indonesia, dahil pinahahalagahan ng HKSAR ang relasyon sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sapul nang manungkulan noong Hulyo 1, 2017, apat na bansang ASEAN na kinabibilangan ng Singapore, Thailand, Myanmar, at Vietnam ang dinalaw ni Lam.
Noong Nobyembre, 2017, nilagdaan ng HK at ASEAN ang Kasunduan ng Malayang Kalakalan (FTA). Sa kasalukuyan, ang ASEAN ang ikalawang pinakamalaking partner sa kalakalan ng mga paninda o goods trade, at ikaapat na pinakamalaking partner sa kalakalan ng serbisyo o service trade ng HK.
Noong 2017, mahigit tatlong milyong turistang ASEAN ang tinanggap ng HK.
Ayon sa pinakahuling survey, mahigit 8,200 bahay-kalakal mula sa Chinese mainland at mga bansang dayuhan ang nagtayo ng punong himpilan o sangay sa HK. Kabilang dito, 586 ang galing sa ASEAN, kung saan 70% ng mga ito ang galing sa Singapore.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |