Nakipag-usap Abril 24, 2018 si Huang Kunming, Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina (CPC) sa delegasyon ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) na pinamumunuan ng kanyang Laotian counterpart na si Sounthone Xayachack.
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Huang na bilang bahagi ng estratehikong komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran, tiniyak ng mga liderato ng Tsina at Laos ang direksyong pangkaunlaran ng relasyong Sino-Laotian sa hinaharap. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Laos para pahigpitin ang pagpapalitan ng dalawang partido at estado, upang ibayong pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Sounthone Xayachack na malaking tagumpay ang natamo ng Tsina sa pambansang kaunlaran sa ilalim ng pamumuno ng CPC na pinamumunuan ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping. Aniya, nakahanda ang LPRP na pag-aralan ang matagumpay na karanasan ng CPC, at pasulungin ang pragmatikong pagtutulungan ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.