Jakarta, Indonesia—Hiniling ni Huang Xilian, Sugo ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa mga bahay-kalakal na Tsino na may negosyo sa ASEAN, na igalang ang kultura at tradisyong lokal, makipagtulungan sa mga counterpart na ASEAN para maisakatuparan ang komong kaunlaran.
Sa kanyang pakikipagtagpo Huwebes, Abril 26, 2018 sa nasabing mga bahay-kalakal na Tsino, sinabi ni Huang na maganda ang tunguhin ng pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, at nangako rin ang pamahalaang Tsino na ibayo pang magbubukas sa labas. Umaasa aniya siyang mananatiling bukas at inklusibo ang mga bahay-kalakal na Tsino, para makagalugad, kasama ng mga kompanyang ASEAN ang pandaigdig na pamilihan. Hinimok din niya silang isabalikat ang responsibilidad na panlipunan para magdulot ng benepisyo sa mga mamamayang lokal.
Noong 2017, lumampas sa 510 bilyong US dollar ang halaga ng kalakalan ng Tsina at ASEAN. Ito ay mahigit 60 beses kung ihahambing sa 1991 nang itatag ng dalawang panig ang partnership na pandiyalogo. Sapul noong 2009, 7 taong singkad na ang Tsina ang naging pinakamalaking trade partner ng ASEAN, at 7 taong singkad din naging ikatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina ang ASEAN. Ang taong 2018 ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at ito rin ay Taon ng Inobasyon ng dalawang panig.
Salin: Jade
Pulido: Rhio