Ang ika-26 ng Abril ay pandaigdig na Araw ng Karapatan sa Pagmamay-ari ng Likhang-isip (IPR). Sa araw na ito, ipinalabas ng State Intellectual Property Office (SIPO) ng Tsina ang pagsisiyasat hinggil sa satispaksyong panlipunan hinggil sa proteksyon ng IPR. Ayon dito, patuloy na tumataas ang kasiyahan ng lipunang Tsino hinggil sa proteksyon ng IPR, at kumpara sa mga pribadong bahay-kalakal ng Tsina, mas mataas ang kasiyahan ng mga dayuhang bahay-kalakal at joint venture.
Ipinahayag ni Zhang Zhicheng, Puno ng Coordination Division ng SIPO, na ito ang kauna-unahang pagkakataong pormal na ipinalabas ang ganitong uri ng pagsisiyasat. Ayon pa rito, 76.69 ang iskor ng kasiyahan ng lipunang Tisno sa taong ito, at ito'y mas mataas ng 4.31 kumpara noong isang taon. Ani Zhang, ito ay nagpapakitang mabunga ang patuloy na pagpapahigpit ng bansa sa pagpapatupad ng batas ng IPR, at mabisa ang mga gawain ng espesyal na hukuman ng IPR.
Bilang pagdiriwang pandaigdig na Araw ng IPR, idinaos ng SIPO ang aktibidad ng "open day." Sinabi ni Shen Changyu, Puno ng SIPO na sa kasalukuyan, nasa proseso ng pagrere-organisa ang kanyang departamento, at pagkatapos nito, magiging mas malawak ang mga tunguhin ng SIPO, at magiging pianakamalaking departementong nangangasiwa ng IPR sa buong daigdig.
Salin:Lele