Sinabi ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, nitong ilang taong nakalipas, humihigpit at lumalalim ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga pamantasan ng Tsina at mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, at lumalaki ang bilang ng mga estudyante ng mga bansang ito na pumunta sa Tsina para sa pag-aaral.
Ayon sa estadistikang inilabas kamakailan ng Ministri ng Edukasyon ng Tsina, noong isang taon, halos 320 libong estudyante mula sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road ang nag-aral sa Tsina. Ang bilang na ito ay katumbas ng halos 65% ng kabuuang bilang ng mga estudyanteng dayuhan sa Tsina, at lumaki ito ng mahigit 11% kumpara sa taong 2016.
Samantala, ayon sa naturang ministri, nakikipagkoordina rin ang pamahalaang Tsino sa mga pamantasan, para palawakin ang pagtanggap ng mga estudyante mula sa mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road, sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarship, pagkakaroon ng kasunduang pangkooperasyon, at iba pa.
Salin: Liu Kai