Ipinatalastas ngayong araw, Miyerkules, ika-2 ng Mayo 2018, ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB), ang pag-aaproba sa paglahok ng Papua New Guinea at Kenya sa bangkong ito. Dahil dito, umabot na sa 86 ang bilang ng mga kasapi ng AIIB.
Sa panahong naitatag ang AIIB noong Enero, 2016, 57 ang bilang ng mga kasapi nito. Noong Marso, Mayo, Hunyo, at Disyembre, magkakasunud-sunod na naaprobahan ang paglahok ng 27 miyembro. Ipinahayag din ng AIIB, na sa hinaharap, patuloy nitong tatanggapin ang mga bagong kasapi.
Salin: Liu Kai