Simula sa darating na Linggo, dadalaw si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Indonesya, at dahil dito, ang relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ay may pag-asang ibayo pang mapasulong. Kaugnay nito, sinabi ngayong araw, Huwebes, ika-3 ng Mayo, 2018, ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN, na ang taong ito ay ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at ang kooperasyon ng dalawang panig ay naging pinakamatagumpay at pinakamasiglang halimbawa ng rehiyonal na kooperasyon ng Asya-Pasipiko.
Sinabi rin ni Huang, na ang naturang pagdalaw ng Premyer Tsino sa Indonesya ay makakatulong sa ibayo pang pagsagana ng kooperasyong Sino-ASEAN, at pagpapasulong sa mas mataas na antas ng estratehikong partnership ng dalawang panig.
Salin: Liu Kai