Isiniwalat Mayo 2, 2018, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dadalo si Li Keqiang, Premyer ng Tsina sa ika-7 Pulong ng mga Lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea na idaraos sa Hapon. Ani Hua, sisimulan ng dalaw na ito ang bagong kalagayan ng kooperasyon ng nasabing tatlong bansa, at magbibigay ng bagong ambag sa kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng rehiyon.
Idaraos ang ika-7 Pulong ng mga Lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea sa ika-9 ng Mayo, 2018 sa Hapon, at bukod kay Premyer Li Keqiang, dadalo rin sina Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon, at Moon Jae-in, Punong Ministro ng Timog Korea. Sa panahon ng pagdalaw, magtatagpo sina Li Keqiang at Shinzo Abe, at kakatagpuin din si Li ni Emperor Akihito ng Hapon, dagdag ni Hua. Nananalig si Hua, na ang pagdalaw na ito ay ibayo pang magpapabuti sa tunguhin ng relasyon ng Tsina at Hapon.
salin:Lele