Beijing,Tsina—Ipinahayag ni Dr. Theint Theint Win, opisyal mula sa Instituto ng Pananaliksik sa Teknolohiyang Biyolohikal ng Ministri ng Edukasyon ng Myanmar, na ang pagbubukas ng Tsina sa labas ay nagpapalawak ng ugnayan ng Tsina at ibang mga bansa. Nakalikha rin ito ng mga pagkakataon ng pagkatututo sa isa't isa.
Si Dr. Theint Theint Win ay kasalukuyang nag-aaral sa Beijing University of Chemical Technology. Ngayong taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma't pagbubukas sa labas.
Sinabi rin ng nasabing taga-Myanmar na bunga ng pagbubukas sa labas ng Tsina, nabigyan siya ng pagkakataong mag-aral sa Beijing at makipagpalitan sa mga counterpart mula sa iba't ibang bansa. Naniniwala aniya siyang ibayo pang magbubukas sa labas ang Tsina sa samu't saring larangang gaya ng telekomunikasyon, serbisyong medikal, edukasyon, pag-aalaga sa matatanda, at sasakyang de-motor ng bagong enerhiya.
Salin: Jade
Pulido: Rhio