|
||||||||
|
||
Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Linggo, Abril 22, 2018, kay Thein Sein, dating Pangulo ng Myanmar, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng mga lider ng Tsina at Myanmar, natamo ng kanilang komprehensibo't estratehikong kooperasyon ang malaking progreso. Nakahanda aniya ang panig Tsino na makipagkooperasyon sa Myanmar upang mapasulong ang konstruksyon ng Economic Corridor ng dalawang bansa, at mapasigla ang pag-unlad ng kabuhayan ng Myanmar.
Dagdag pa ni Wang, ayon sa mithiin ng Myanmar, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na magpatingkad ng konstruktibong papel para sa prosesong pangkapayapaan ng Myanmar.
Ipinahayag naman ni Thein Sein ang pasasalamat sa ibinibigay na tulong ng Tsina sa pagpapasulong ng prosesong pangkapayapaan, at pagpapasulong ng kabuhayan at lipunan ng Myanmar.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |