Ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na umaasa ang kanyang bansa na magkakasamang magsisikap ang iba't ibang panig para mapatatag at magpatuloy ang kasalukuyang positibong tunguhin ng kalagayan ng Korean Peninsula, at patuloy na gumanap ng konstruktibong papel para sa lubos na paglutas ng isyu ng Korean Peninsula.
Tungkol sa pagdalaw ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina sa Hilangang Korea, ani Hua, ito ay pagsasakatuparan ng komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa. Aniya, magpapalitan ng palagay ang Tsina at Hilagang Korea hinggil sa bilateral na relasyon at kalagayan ng Korean Peninsula.
salin:Lele