|
||||||||
|
||
Beijing,Tsina--Biyernes, Mayo 4, 2018, idinaos sa Great Hall of the People ang komperensya bilang paggunita sa ika-200 taon ng kapanganakan ni Karl Marx. Bumigkas ng talumpati sa komperensya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ipinagdiinan ni Pangulong Xi na nitong dalawang siglong nakalipas, sa kabila ng malalaki at masasalimuot na pagbabago sa daigdig, nagniningning pa rin ang Marxism. Inilarawan ng pangulong Tsino si Marx bilang guro ng rebolusyon para sa proletariat at manggagawa sa buong daigdig, pangunahing tagapagtatag ng Marxism, tagapagtatag ng mga partidong Marxist, tagapanguna para sa pandaigdig na komunismo, at pinakadakilang tagapag-isip sa modernong panahon.
Sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), maraming beses na binanggit at inilahad ni Xi ang Marxism sa magkakaibang okasyon. Ang talumpati sa nasabing komperensya ay kauna-unahang pagkakataon na sistematiko't komprehensibong inilahad niya ang Marxism sa bukas na okasyon.
Dagdag pa ni Pangulong Xi na malaking nakapagpasulong ang Marxism sa proseso ng sibilisasyon ng sangkatauhan, at nananatili pa ring sistema ng kaisipan at pananalita na may mahalagang impluwensiyang pandaigdig hanggang ngayon.
Binigyang-diin din ni Xi na ang Marxism ay kaluluwa ng mithiin ng mga miyembro ng CPC. Dapat walang humpay na patibayin ang pananampalataya ng Marxism at mithiin ng communism, igiit at paunlarin ang sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon, para maigrantiya ang pag-ahon ng Nasyong Tsino tungo sa tumpak na direksyon, dagdag pa niya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |