|
||||||||
|
||
1. Ma Shanxiang, people's mediator sa Guanyinqiao Sub-district, Jiangbei District, Munisipalidad ng Chongqing
Ang people's mediator ay tauhan sa kababa-babaang yunit ng Tsina na naglilingkod sa mga lokal na residente. Nasa posisyong ito si Ma sa loob ng 29 na taon, at nilutas niya ang mahigit 2 libong alitan ng mga lokal na residente.
2. Zhuo Changli, chairwoman ng isang kompanya ng domestic helper na tinatawag na "Ate ng Sikat ng Araw," sa lunsod ng Ji'nan
Si Zhuo ay isang laid-off worker minsan, at chairwoman ngayon ng isang kompanya ng domestic helper. Nagbibigay-tulong siya sa libu-libong laid-off worker na muling nagkakaroon ng trabaho bilang domestic helper.
3 Mi Xuemei, puno ng Customer Department ng isang kompanya ng damit sa lunsod ng Zhongshan
Si Mi ay naging rural migrant work, noong 22 taong gulang pa siya. Minsan siya'y sikur ng isang pabrika ng damit, at umakyat sa kasalukuyang posisyon sa pamamagitan ng pagpupunyagi.
4. Wu Dajing, gold medalist ng Tsina sa men's 500 meter short track speed skating sa Pyeongchang Winter Olympics
Sa pamamagitan ng 13 taong masipag na pagsasanay, kinuha ni Wu ang siyang tanging medalyang ginto ng Tsina sa Pyeongchang Winter Olympics. Ito rin ang unang beses na nag-kampeon ang atletang Tsino sa men's short track speed skating sa kasaysayan ng paglahok ng Tsina sa Winter Olympics.
5. Zhuoga at Yangzong, dalawang babaeng pastol sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet
Nitong mahigit 30 taong nakalipas, nagtatrabaho sina Zhuoga at Yangzong bilang pastol sa isang damuhan sa purok-hanggahan ng bansa, na mahigit 3,600 metrong mataas kaysa dagat.
6. Mga artista ng Wulanmuqi tropang pansining, mula sa Sonid Right Banner County ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia
Sapul nang mabuo noong 1957, nagtatanghal ang Wulanmuqi tropang pansining sa liblib na pook ng Inner Mongolia, at nagdudulot sila ng kasayahan sa mga magsasaka at pastol doon.
7. Hu Yifan, Wei Chenyang, Ashar Nurtai, Wang Han, Jia Lanjun, Dai Rui, Li Yeguang, at Dong Xudong, 8 estudyante ng Nankai University na boluntaryong sumapi sa People's Liberation Army ng Tsina
Isinilang noong ika-9 na dekada ng ika-21 siglo, boluntaryong sumapi ang 8 estudyanteng ito sa PLA noong 2017. Ang hangarin nila ay ipagtanggol ang bansa at mabuting pamumuhay ng mga mamamayan.
Ang naturang mga tauhan ay mga kinatawan ng mga mamamayang Tsino, na walang humpay na nagpupunyagi, para isakatuparan ang sariling maligayang pamumuhay, at kaunlaran at kasaganaan ng bansa.
Salin: Liu Kai
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |