Naglakbay-suri mula noong ika-24 hanggang ika-29 ng Abril, 2018, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa lalawigang Hubei sa gitnang bahagi ng bansa. Bumisita siya sa mga nayon, bahay-kalakal ng hay-tek, at purok-panirahan sa lokalidad.
Sa panahon ng paglalakbay-suri, ipinahayag ni Xi, na dapat sundin ang kaisipan ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon, at bagong ideya sa pag-unlad, alalaong baga'y pagsasakatuparan ng pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyon.
Hiniling din niya sa lalawigang Hubei, na pag-ibayuhin ang pagsisikap sa tatlong pangunahing misyon, na kinabibilangan ng pag-alis ng mga panganib sa kabuhayan, ibayo pang pagbabawas ng kahirapan, at pagsupil sa polusyon.
Ipinangako rin ni Xi, na lutasin ang di-balanse at di-sapat na pag-unlad sa iba't ibang lugar ng Tsina.
Salin: Liu Kai