|
||||||||
|
||
Jakarta, Indonesia—Ipinagdiwang Lunes ng hapon, Mayo 7, 2018 ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang estratehikong partnership.
Magkakasamang pinasinayaan ang nasabing selebrasyon nina Premyer Li Keqiang ng Tsina, Lim Jock Hoi, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, at Tan Hung Seng, Pirmihang Kinatawan ng Singapore sa ASEAN.
Pagkatig ng Tsina sa ASEAN, katanggap-tanggap; pagtutulungan sa inobasyon at digital economy, itatampok
Sa kanyang talumpating panalubong, sinabi ni Lim na bilang matagal at mahalagang partner ng ASEAN, buong-tinding pinasusulong ng suporta ng Tsina ang integrasyon ng ASEAN, at tumutulong sa pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng mga miyembro ng ASEAN. Pinalalalim din nto aniya anggkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at ASEAN.
Nakahanda ang ASEAN na palakasin pa ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa Tsina, lalo na sa mga larangan ng inobasyon at digital economy, para maisakatuparan ang komong kasaganaan, dagdag pa ni Lim.
Ipinahayag din ni Lim ang paghanga sa pangako ng Tsina sa ibayo pang reporma at pagbubukas sa labas, at pagpapasulong sa multilateral na sistemang pangkalakalan, batay sa mga alituntunin. Ito aniya ay hindi lamang magdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng Tsina, kundi sa buong rehiyon.
Pangunahing papel ng ASEAN, RCEP, BIMP-EAGA, pinahahalagahan ng Tsina
Sa kanya namang talumpati, nanawagan si Premyer Li sa pagkakaroon ng substantibong breakthrough sa talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), isang mekanismo ng kasunduan ng malayang kalakalan (FTA) sa pagitan ng 10 bansang ASEAN at mga FTA partner nito na kinabibilangan ng China, Australia, India, Japan, South Korea at New Zealand. Sa katatapos na Ika-32 ASEAN Summit, sumang-ayon ang mga kalahok na lider na tapusin ang nasabing talastasan sa taong ito.
Ipinagdiinan ni Li na ang ASAEN ay laging nananatiling priyoridad ng patakarang panlabas ng Tsina sa mga kapitbansa. Suportado aniya ng Tsina ang ASEAN sa pagganap ng sentral na papel sa kooperasyong panrehiyon.
Ipinahayag din Li ang kahandaan ng Tsina sa pagpapatupad ng "3+X Cooperation Framework," kasama ng ASEAN. Ang "3" ay tumutukoy sa tatlong pillar sa kooperasyong Sino-ASEAN na kinabibilangan ng seguridad na pampulitika, kabuhaya't kalakalan, at people-to-people exchange. Ang "X" naman ay nakatuon sa mga potensyal na larangang pangkooperasyon.
Nangako rin ang premyer Tsino na pasusulungin ang kooperasyon sa Brunei, Indonesia, Malaysia, Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA); at Lancang-Mekong Economic Development Belt.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |