Sa kanyang talumpati sa ika-7 pulong ng mga lider ng Tsina, Hapon, at Timog Korea, na idinaos kaninang umaga sa Tokyo, Hapon, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na dapat patingkarin ng tatlong bansang ito ang mas malaking papel sa kooperasyong panrehiyon.
Sinabi ni Li, na marami ang mga bansa sa Asya, malaki ang agwat sa pagitan nila sa antas ng kaunlaran, at samantala, mas maunlad ang Tsina, Hapon, at T.Korea. Nagharap siya ng mungkahi hinggil sa bagong modelong pangkooperasyon na "Tsina, Hapon, T.Korea plus X," para patingkarin ang mga bentahe ng tatlong bansa sa pagpapasulong ng kooperasyong panrehiyon.
Ipinaliwanag ng Premyer Tsino, na batay sa kani-kanilang mga bentahe sa kagamitang pang-industriya, teknolohiya, pondo, at konstruksyon, puwedeng isagawa ng Tsina, Hapon, at T.Korea ang mga magkakasanib na proyekto sa mga aspekto ng production capacity, pagbabawas ng kahirapan, disaster management, pangangalaga sa kapaligiran, at iba pa, para magkakasamang galugarin ang pamilihan ng ika-4 na panig o multilateral na panig. Ito aniya ay makakatulong sa mas mabuti at mas mabilis na pag-unlad ng iba't ibang bansa ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai