Ayon sa ulat kahapon, Miyerkules, ika-9 ng Mayo 2018, ng Ministring Komersyal ng Tsina, nagtamo ng positibong bunga ang ika-22 round ng talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), na idinaos mula ika-28 ng Abril hanggang ika-8 ng Mayo sa Singapore.
Ayon sa naturang ministri, sa kasalukuyang round ng talastasan, patuloy na isinagawa ang malalimang pagsasanggunian hinggil sa mga pangunahing paksang gaya ng kalakalan ng paninda, kalakalan ng serbisyo, pamumuhunan, Rules of Origin, mga prosidyur sa adwana, at trade facilitation. Inulit din ng iba't ibang kalahok na panig ang pangakong pasulungin ang pagtapos ng talastasan sa RCEP sa lalong madaling panahon.
Salin: Liu Kai