Idinaos Mayo 9, 2018, ang Pulong ng kooperasyon at pagpapalitan ng mga non-governmental organization (NGO) ng Tsina at Kambodya sa Phnom Penh, Kambodya. Nagpalitan ang mga kalahok ng mga palagay hinggil sa edukasyon, medisina, kalusugan at iba pa.
Dumalo sina Liu Kaiyang, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng China NGO Network for International Exchanges (CNIE), Kemreat Viseth, Tagapangulo ng Cambodian Civil Society Alliance Forum, at iba pang mga kinatawan mula sa 20 NGO ng Tsina at 28 NGO ng Kambodya.
Isinalaysay ni Liu na hanggang sa katapusan ng taong 2017, ang mga kasaping NGO ng CNIE ay nagsasagawa ng maraming proyekto sa Kambodya, na kinabibilangan ng mga paaralan, clinic at kagamitan at imprastruktura sa kanayunan sa iba't ibang lugar ng Kambodya.
Salin:Lele