Natapos kahapon, Huwebes, ika-29 ng Marso 2018, sa Kambodya, ang magkasanib na pagsasanay ng mga tropa ng Tsina at Kambodya hinggil sa paglaban sa terorismo at makataong pagliligtas, na may code name na "Golden Dragon 2018."
Lumahok sa seremonya ng pagpipinid sina Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya, Tea Banh, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Kambodya, at ang mga kalahok na opisyal at sundalo ng mga tropa ng dalawang bansa.
Ang 17-araw na pagsasanay na ito ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga tropa ng dalawang bansa sa magkasamang pagsasagawa ng mga operasyong laban sa terorismo at makataong pagliligtas.
Sa panahon ng pagsasanay, nagbigay rin ang tropang Tsino ng mga tulong na materyal sa mga taga-nayon ng Kambodya, at tumulong sa kanila para sa pagkukumpuni ng mga tahanan.
Salin: Liu Kai