Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-40 anibersaryo ng paglagda ng Tratado ng Kapayapaan at Pagkakaibigan, ipinagdiwang ng Tsina't Hapon; diwa ng tratado, ipinagdiinan

(GMT+08:00) 2018-05-11 14:39:23       CRI

Tokyo, Hapon—Ginunita Huwebes, Mayo 10, 2018 ng Tsina't Hapon ang ika-40 anibersaryo ng paglagda ng Tratado ng Kapayapaan at Pagkakaibigan. Lumahok dito sina dumadalaw na Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, kasama ng halos 2000 kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng dalawang bansa.

Pinagtibay, sa pormang legal, ng nasabing tratado ang mga prinsipyo ng Magkasanib na Pahayag ng dalawang bansa na inilabas noong 1972. Kabilang dito ay pagsisisi ng Hapon sa pananagutang pandigmaan, pananangan sa prisipyong Isang Tsina, at di-magmamaliw na pagkakaibigang Sino-Hapones sa hene-henerasyon.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Premyer Li na narating nila ng mga lider na Hapones ang serye ng pagkakasundo para bumalik sa normal ang relasyong Sino-Hapones, at isakatuparan ang pangmatagalan, malusog at matatag na pag-unlad.

Sa kanya namang talumpati, sinabi ni Abe na simula ngayon, ang bilateral na relasyong Sino-Hapones ay pumapasok na sa panahon ng koordinasyon, sa halip ng kompetisyon. Kung magkakabisig aniya ang Tsina't Hapon, maiigpawan nila ang anumang kahirapan.

Nauna rito, nakipagtagpo si Premyer Li sa mga kinatawang Hapones na nakilahok sa pagbalangkas at paglagda sa nasabing tratadong pangkaibigan ng Tsina't Hapon, na kinabibilangan nina Yasuo Fukuda, dating Punong Ministro, at Yohei Kono, dating Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Hapon.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>