Idinaos May 12, 2018, sa Phnom Penh, Kambodya ang ministeryal na pag-uusap ng mga departamento sa pagpapatupad ng batas ng Tsina at Kambodya, at sinang-ayunan ng dalawang panig na pasulungin ang komprehensibong estratehikong kooperasyon sa pagpapatupad ng batas ng dalawang bansa sa bagong panahon.
Bukod dito, nagkasundo rin ang dalawang panig pabutihin ang mekanismo ng kooperasyon para sa paglaban sa transnasyonal na krimen ng sugal; pagtatayo ng mekanismong pangkooperasyon ng seguridad para sa mga malaking proyekto ng Belt and Road Initiative; pagpigil at pagbibigay-dagok sa ilegal na pagpasok sa hanggahan at transnasyonal na krimen ng human trafficking; pagpapahigpit ng mekanismo ng pagpapalitan hinggil sa pakikibaka sa droga; pagpapalakas ng pangangalaga ng pambansang seguridad at kooperasyon ng paglaban sa terorismo; at pagbibigay-dagok sa cyber-crime at telecom fraud.
salin:Lele