|
||||||||
|
||
Sa kabila ng matinding protesta ng mga mamamayang Palestino at pagkondena ng maraming bansa, pormal na binuksan sa Jerusalem Lunes, Mayo 14, 2018, ang Embahadang Amerikano sa Israel.
Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang delegasyong Amerikano na pinamumunuan ni John Sullivan, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos. Kabilang sa delegasyong ito ay ang anak ni US President Donald Trump na si Ivanka at asawa niyang si Jared Kushner, at US Treasury Secretary Steve Mnuchin.
Bagama't hindi nakadalo si Trump, nagpadala siya ng video message na nagsasabing ang paglilipat ng Embahadang Amerikano sa Jerusalem mula Tel Aviv ay isang bagay na dapat ay matagal nang nagawa.
Idinaos Lunes sa purok-hanggahan ng Gaza Strip at Israel, at mga lunsod na gaya ng Ramallah at Bethlehem, ng mga mamamayang Palestino ang kilos-protesta. Hanggang sa ngayon, 55 mamamayang Palestino ang namatay habang mahigit 2800 iba pa ang nasugatan matapos ang pakikipagsagupaan sa mga Israeli forces. Ayon sa Israeli media, sapul nang maganap ang digmaan sa Gaza noong 2014, ang insidenteng naturan ay ang may pinakamaraming namatay na mamamayang Palestino sa loob ng isang araw.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |