|
||||||||
|
||
Sinabi Lunes, Mayo 14, 2018, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mahigpit na sinusubaybayan ng panig Tsino ang sagupaang naganap nitong Sabado sa dakong hilaga ng Myanmar.
Ani Lu, hanggang sa kasalukuyan, 2 mamamayang Tsino sa Myanmar ang namatay, bumagsak sa loob ng teritoryo ng Tsina ang tatlong rocket at ilang bala.
Dagdag pa niya, iniharap na ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa kaukulang panig ng Myanmar. Hinihiling nito sa iba't-ibang nagsasagupaang panig ng Myanmar na agarang itigil ang putukan, isagawa ang lahat ng hakbangin upang pigilin ang ekspansyon ng pangyayari at mapanumbalik ang katahimikan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa, sa lalong madaling panahon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |