Kinatagpo sa Beijing May 15, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Ban Ki-moon, Tagapangulo ng Boao Forum for Asia (BFA).
Binigyan-diin ni Xi na ang globalisasyon ng kabuhayan ay hindi mababagong tunguhin, at ang multilateral na koordinasyon ay paraang makapaglulutas ng iba't ibang isyu.
Tinukoy ni Xi na hindi magsasara ang bukas na pinto ng Tsina, sa halip, ibayong palalawakin ang pagbubukas sa labas. Aniya pa, isasaayos at pauunlarin ng kanyang bansa batay sa bukas na kapaligiran, at igigiit ang mutilaterismo, at pangangalagaan ang multilateral na mekanismong pangkalakalan. Inilabas aniya ang mga bagong hakbangin ng Tsina para magpalawak ng pagbubukas. Isasakatuparan aniya ang mga ito sa lalong madaling panahon, at ito ay tiyak na magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa Asya at daigdig.
Nagpahayag si Ban Ki-moon ng pasasalamat sa pagkatig ng pamahalaan ng Tsina sa BFA. Aniya, sa kasalukuyang kalagayan, kinakailangan ng BFA na ilabas ang maliwanag na impormasyon na kumakatig sa globalisasyon at malayang kalakalan. Dapat aniya gamitin ang pagkakataon ng Belt and Road Initiative, pasulungin ang pagbubukas at inobasyon ng Asya para maisakatuparan ang mas magandang pag-unlad.
salin:Lele