BEIJING, May 15, 2018—Ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na lubos na nababahala ang Tsina sa madugong engkwentro sa hanggahan ng Gaza Strip na nagdulot ng malaking kasuwalti. Tinututulan aniya ng Tsina ang anumang karahasan sa mga sibilyan, hinimok niya ang Israel at Palestina na magtitimpi para maiwasan ang paglala ng kalagayan.
Noong ika-14 ng Mayo, 2018, naganap ang madugong engkwentro sa pagitan ng mga sibilyan ng Palestina at mga sundalo at pulis ng Israel, nang mag-protesta ang ilampung libong taga-Palestina para sa paglilipat ng Embahada ng Amerika sa Israel patungong Jerusalem. Mahigit 50 tao ang nasawi at may 2000 ang sugatan sa nasabing insidente.
Ani Lu, laging pinaninindigan ng Tsina na dapat mapanumbalik ang talastasan batay sa mga may kinalamang resolusyon ng United Nations at malutas ang isyu ng Jerusalem sa pamamagitan ng diyalogo sa lalong madaling panahon.
salin:Lele