Ipinadala ika-16 ng Mayo, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Pangulong Joko Widodo ng Indonesya kaugnay ng mga teroristikong pag-atakeng naganap kamakailan sa East Java at Surabaya, Indonesya.
Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Tsina, ipinahayag ni Xi ang tunay na pakikidalamhati sa mga biktima at pakikiramay sa kanilang pamilya. Aniya, ang terorismo ay komong kaaway ng sangkatauhan, at matatag itong tinututulan ng Tsina sa anumang porma. Kasama ng iba't ibang panig nakahanda aniya ang Tsina na bigyang-dagok ang terorismo, para sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon at daigdig.
Noong ika-13 at ika-14 ng buwang ito, naganap sa Surabaya, Indonesya, ang ilang teroristikong pag-atake. Ang mga maykagagawan ay pamilyang binubuo ng mga magulang at mga anak.
salin:Lele