Sa panahon ng pagdalaw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Indonesya, inilabas kahapon, Lunes, ika-7 ng Mayo 2018, ng dalawang bansa ang magkasanib na pahayag.
Sa pahayag, hindi lamang sinang-ayunan ng Tsina at Indonesya na palalimin ang bilateral na kooperasyon, sa pamamagitan ng pag-uugnayan ng 21st Century Maritime Silk Road at Global Maritime Axis, kundi ipinahayag din nila ang kahandaang pasulungin ang subrehiyonal na kooperasyon sa ilalim ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), at palakasin ang kooperasyong Sino-ASEAN.
Ipinakikita nito ang pagpapatupad ng Tsina ng bagong modelong pangkooperasyon, na sabay-sabay na pagpapasulong ng kooperasyon sa iba't ibang antas, na mula bilateral, subrehiyonal at rehiyonal na kooperasyon hanggang sa pandaigdig na kooperasyon. Ito rin ay landas tungo sa "community with shared future for mankind."
Salin:L Liu Kai