Bilang tugon sa nagaganap na armadong sagupaan sa hilagang bahagi ng Myanmar, na malapit sa hanggahan ng Tsina, ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-18 ng Mayo 2018, ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na pinalakas na ng tropa ng kanyang bansa ang pamamatrolya, pangangasiwa, at hakbanging panseguridad sa purok hanggahan ng Tsina at Myanmar. Ito aniya ay para ipagtanggol ang soberanya ng bansa, panatilihin ang katatagan sa hanggahan, at pangalagaan ang mga mamamayan sa lokalidad.
Dagdag ni Wu, hiniling din ng panig Tsino sa iba't ibang nagsasagupaang panig ng Myanmar, na agarang itigil ang putukan.
Ayon pa rin kay Wu, hanggang sa kasalukuyan, 3 mamamayang Tsino sa Myanmar ang napatay sa naturang sagupaan, at bumagsak sa loob ng teritoryo ng Tsina ang tatlong rocket at ilang bala.
Salin: Liu Kai