|
||||||||
|
||
Sa isang magkakasanib na news briefing Martes, Enero 23, 2017, ipinatalastas ng pamahalaan ng Myanmar at New Mon State Party (NMSP) at Lahu Democratic Union (LDU), dalawang pambansang armadong organisasyon, na lalagdaan ng NMSP at LDU ang kasunduan sa pambansang tigil-putukan.
Nang araw ring iyon, nag-usap sa Nay Pyi Taw ang mga delegasyon ng NMSP at LDU na magkahiwalay na pinamumunuan ng mga tagapangulo nito na sina Nai Htaw Mon at Kya Khun Sa, kasama sina State Counsellor Aung San Suu Kyi at Chief Commander Min Aung Hlaing ng Tropang Pandepensa.
Ayon sa sirkular ng news briefing, ang pangunahing paksa ng nasabing pag-uusap ay paglagda sa kasunduan sa pambansang tigil-putukan, patuloy na pagpapasulong sa prosesong pangkapayapaan at iba pa.
Sinabi sa news briefing ni Aung San Suu Kyi na welkam sa pagsapi ang NMSP at LDU, at pinasalamatan ang lahat ng mga tao na nagbigay-tulong sa kapayapaan ng estado at pag-unlad batay sa kapayapaan.
Ayon sa datos ng panig opisyal ng Myanmar, sa kasalukuyan, may 21 pambansang armadong organisasyon sa loob ng bansa. Sapul noong Nobyembre ng 2013, 9 na round ng talastasang pangkapayapaan ang idinaos sa pagitan ng pamahalaan at mga armadong organisasyon. Noong Oktubre ng 2015, nilagdaan ng mga lider ng 8 etnikong armadong grupo ang kasunduan sa pambansang tigil-putukan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |