Ang Beijing, kabisera ng Tsina, at Phnom Penh, kabisera ng Kambodya, ngayon ay sister city na.
Isang kasunduan hinggil dito ang nilagdaan kahapon, Lunes, ika-21 ng Mayo 2018, sa Phnom Penh, nina Qi Jing, Pirmihang Kagawad ng Party Committee ng Beijing, at Khuong Sreng, Gobernador ng Phnom Penh.
Sa seremony ng paglalagda, sinabi ni Qi, na ang pagiging sister city ng Beijing at Phnom Penh ay bahagi ng selebrasyon ng ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Kambodya sa taong ito. Umaasa aniya siyang, sa pamamagitan nito, mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang lunsod, sa kabuhayan, kalakalan, turismo, kultura, edukasyon, teknolohiya, at iba pang aspekto.
Hinahangaan naman ni Khuong Sreng ang pagiging sister city ng mga kabisera ng Kambodya at Tsina. Ito aniya ay mahalaga para sa relasyon ng dalawang bansa, at komong kasaganaan at kaunlaran ng dalawang lunsod.
Salin: Liu Kai