Napag-alaman ng mga mamamahayag mula sa preparatoryong pulong ng China-ASEAN Expo, na nakatakdang idaos sa Nanning ng Guangxi, Tsina ang Ika-15 China-ASEAN Expo sa ika-12 hanggang ika-15 ng Setyembre, 2018. Ang Kambodya ay muling magiging tampok na Country of Honor ng expo. Dadalo sa pagtitipong ito ang mga lider ng Tsina at mga bansa ng ASEAN.
Ayon sa ulat, ipapakita, pangunahin na ng Kambodya sa expo ang kanyang tagumpay sa larangan ng agrikultura, imprastruktura, katam-tamang laki at maliliit na bahay-kalakal, edukasyon, kultura, turismo, at iba pa.
Sa kasalukuyan, isinapubliko na mga kalahok ng expo ang kani-kanilang mga city of charm, na kinabibilangan ng Beihai, Tsina; Kompong Thom, Kambodya; Bandar Seri Begawan, Brunei; Sumatra, Indonesia; Vientiane, Laos.