Dumalo Mayo 7, 2018, sina Li Keqiang, Premyer ng Tsina at Jusuf Kalla, Pangalawang Pangulo ng Indonesia sa China-Indonesia Business Summit na idinaos sa Jakarda.
Ipinahayag ni Li na ang layunin ng pagdalaw niya sa Indonesia ay para ibayo pang pahigpitin ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa, para mapasulong ang pragmatikong kooperasyon sa bagong antas. Aniya, palalawakin ng dalawang panig ang pamumuhunan at production capacity, pasusulungin ang trade at investment liberalization, at ibayo pang palalimin ang pagpapalitan ng kultura.
Ipinahayag ni Li na nitong ilang taong nakalipas, pinananatili ng kabuhayan ng Tsina ang tunguhin ng matatag at mabuting pag-unlad. May kompiyansa at kakayahan ang Tsina na pangalagaan ang paglaki ng kabuhayan may medium-to-high speed at pag-unlad na may mataas na kalidad ng Tsina.
Sinabi naman ni Jusuf Kalla na tinatanggap ang patuloy na pagpapalaki ng pamumuhunan ng Tsina sa Indonesia, pagpapalawak ng bilateral na pagluluwas sa isa't isa, pagapapsulong ng konstruksyon ng regional integrated economic corridor, at pagpapalalim ng kooperasyon sa turismo, digital economy, manufacturing industry, enerhiya, kapaligiran at konstruksyon ng imprastruktura. At lilikha ang mga pamahalaan ng dalawang bansa ng mas mabuting kapaligiran para sa pamumuhunan at pagtatakbo ng negosyo.
salin: Lele