Port Moresby — Ipininid Sabado, Mayo 26, 2018, ang Pulong ng mga Mataas na Opisyal ng Kalakalan ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa taong 2018. Tinalakay ng mga kalahok ang tungkol sa, pangunahin na, kung paano kakatigan at pabubutihin ang multilateral na sistemang pangkalakalan, kung paanong palalalimin ang integrasyon at konektibidad ng kabuhayang panrehiyon, at iba pang tema. Pinagtibay sa pulong ang "Pahayag ng Ika-24 na Pulong ng mga Ministro ng Kalakalan ng APEC," at "Pahayag ng Tagapangulo sa Pagkatig sa Multilateral na Sistemang Pangkalakalan" kung saan narating ang malawakang komong palagay tungkol sa pagpapasulong ng multilateral na kalakalan.
Ayon sa "Pahayag ng Ika-24 na Pulong ng mga Ministro ng Kalakalan ng APEC," narating ng mga kalahok ang apat na komong palagay na kinabibilangan ng pagpapalalim ng integrasyon at konektibidad ng kabuhayang pandaigdig, pagpapasulong ng sustenable at inklusibong paglaki, pagpapasulong ng inklusibong paglaki sa pamamagitan ng reporma sa estruktura, at pagpapalakas ng kooperasyong pangkabuhayan at panteknolohiya.
Salin: Li Feng