Kaugnay ng pagpasok ng American warship sa teritoryong pandagat ng Xisha Islands ng Tsina, ipinahayag nitong Linggo, Mayo 27, 2018, ni Tagapagsalita Wu Qian ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ang aksyong ito ng panig Amerikano ay grabeng lumalapastangan sa soberanya ng Tsina, nakakapinsala sa estratehikong pagtitiwalaan ng dalawang hukbo, at nakakasira sa kapayapaan, kaligtasan at mainam na kaayusan ng kaukulang karagatan. Aniya, buong tatag itong tinututulan ng panig Tsino.
Sinabi niya na kasalukuyang nagsisikap ang hukbong Tsino upang mapataas ang defense level, at ipagtanggol ang soberanya at seguridad ng bansa. Hinding hindi nagbabago ang determinasyon ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng