|
||||||||
|
||
Bilang isang malaking bansang may populasyon sa daigdig, walang bentahe ang Tsina sa agricultural resources, kaya ito'y pinakamalaking bansa sa buong mundo na nag-aangkat ng mga produktong agrikultural. Kasunod ng pagtaas ng lebel ng pamumuhay ng mga mamamayang Tsino, nagiging mas malakas ang kanilang pangangailangan sa mga mainam na produktong agrikultural, bagay na direktang nakakapagpasulong ng pagbuo ng bagong kayarian ng pagbubukas ng agrikulturang Tsino sa labas. Ipinahayag ng mga dalubhasa na magiging mas malakas ang pakikipagkooperasyon ng agrikulturang Tsino sa daigdig, partikular sa pag-aangkat nito ng mga produktong agrikultural.
Sa kasalukuyan, ang Tsina ang pinakamalaking mamimili ng mga produktong gaya ng soybean, palm oil, at bulak sa buong daigdig. Noong isang taon, umabot sa halos 201.4 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng mga produktong agrikultural ng Tsina. Ito ay mas malaki ng 9% kumpara sa taong 2016. Kabilang dito, halos 70% ng halaga ng mga produktong inaangkat ng Tsina ay mula sa Estados Unidos, Brazil, Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), Unyong Europeo (EU), at Australia.
Sa kasalukuyan, ang Amerika ang pinakamalaking bansang nagluluwas ng mga produktong agrikultural sa Tsina. May malaking bentahe ang Amerika sa sakahan, high-tek, at iba pang larangan, kaya malawak ang prospek ng kooperasyong agrikultural ng Tsina at Amerika.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |