Ipinahayag Mayo 21, 2018, ni Liu Xiaoming, Embahador ng Tsina sa Britanya na ang pag-iwas sa trade war ng Tsina at Amerika, dalawang malaking ekonomiya, ay angkop sa komong mithiin ng mga mamamayan sa malusog na pag-unlad ng relasyong pangkalakalan ng dalawang bansa, at makakabuti rin sa pangangalaga ng pandaigdig na kaayusang pangkalakalan at malusog na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Sinabi ito ni Liu sa kanyang talumpati sa isang aktibidad ng Asia House ng Britanya.
Ani Liu kasalukuyang napigilan ang banta ng trade war ngunit dapat mas malalim na pag-aralan ang mga kaganapin nitong nalipas na ilang buwan. Nagbahagi si Liu ng ilang mungkahi upang makamit ang win-win trade reactions. Una, pakitunguhan ang pag-unlad ng Tsina sa obdiyektibong pananaw; Ikalawa, dapat palalimin ang kooperasyon na may kaisipang win-win; ikatlo, dapat sumunod sa pandaigdigang batas sa halip na pambansang batas; at ikaapat, kilalanin ang pag-unlad ng karapatan sa pagmamay-ari sa mga likhang-isip (IPR) na natamo ng Tsina nitong nalipas na mga taon.
Salin:Lele