Sinabi kahapon, Lunes, ika-28 ng Mayo 2018, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangulo ng bansa, na nakahanda ang CPC, kasama ng mga partidong pulitikal ng iba't ibang bansa, na kinabibilangan ng mga partidong komunista, na palakasin ang diyalogo, at palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan. Ito aniya ay para magbigay ng talino at ambag sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran para sa sangkatauhan, at mas magandang mundo.
Winika ito ni Xi sa kanyang mensaheng pambati sa isang symposium na binuksan nang araw ring iyon sa Shenzhen, Tsina, bilang paggunita sa ika-200 anibersaryo ng kapanganakan ni Karl Marx. Kalahok sa symposium ang mahigit 100 kinatawan mula sa 75 partidong komunista ng 50 bansa ng daigdig.
Binigyan din ni Xi ng mataas na pagtasa ang Marxism. Igigiit ng Tsina ang Marxism, at patuloy na ipapakita ang bitalidad ng scientific socialism, dagdag niya.
Salin: Liu Kai