Kinatagpo noong ika-28 ng Mayo, 2018 dito sa Beijing ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina si Shamshad Akhtar, Executive Secretary ng United Nations Economic and Social Commission for Asia and the Pacific (ESCAP).
Pinahahalagahan ni Wang ang kooperasyon ng ESCAP at Tsina. Umaasa aniya siyang patitingkarin ng ESCAP ang bentahe, mahigpit na isasanib ang mga gawain ng ESCAP at Belt and Road Initiative, at magkasamang pasusulungin ang kooperasyong pangkabuhayan at integrasyon ng Asya-Pasipiko, at nang sa gayo'y, madagdagan ang kasiglahan ng pag-unlad ng rehiyon.
Pinasalamatan ni Akhtar ang pagkatig ng Tsina sa mga gawain ng UN at ESCAP. Aniya, patitingkarin ng ESCAP ang papel bilang plataporma sa pagitan ng mga pamahalaan, komprehensibo at malalim na lalahukan ang Belt and Road Initiative, at magbibigay ng ambag para sa kaunlaran at kasaganaan ng Asya-Pasipiko at pagsasakatuparan ng 2030 Agenda for Sustainable Development.
salin:Lele