Kaugnay ng Hong Kong Policy Act Report na inilabas ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, ipinahayag Martes, Mayo 29, 2018, ng Tagapagsalita ng Administrasyon ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HongKong (HKSAR) na sapul nang bumalik sa inang bayan, palagiang isinasagawa ng HKSAR ang autonomiya sa mataas na antas, at pamamahala sa Hong Kong ng mga taga-Hong Kong, batay sa tadhana ng Saligang Batas, bagay na lubos na nagpapakita ng komprehensibo't matagumpay na pagpapatupad ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema." Kapansin-pansin ito sa komunidad sa daigdig.
Ani ng Tagapagsalita, hindi dapat makialam ang pamahalaang dayuhan ang suliraning panloob ng HKSAR, sa pamamagitan ng anumang porma.
Salin: Vera