Biyernes, Hunyo 1, 2018, ginanap sa Beijing ang kauna-unahang Shanghai Cooperation Organization (SCO) Media Summit. Nagpadala ng liham na pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sa kanyang liham, malugod na tinanggap ni Xi ang mga kaibigan mula sa mga media ng iba't ibang bansa. Aniya, sa kasalukuyan, mabilis na umuunlad ang pagsasaimpormasyon ng lipunan, at nagpapatingkad ang media ng pahalaga nang pahalagang papel sa pagpapasulong ng pag-uugnayan ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Noong isang taon, iminungkahi ni Xi ang pagtataguyod ng unang media summit ng SCO, para mapasulong ang pagpapalitan at pagtutulungan ng SCO sa larangan ng kultura. Nananalig aniya siyang patitingkarin ng kasalukuyang summit ang positibong papel para sa pagbubuklod ng mga puwersa ng organisasyong ito.
Dagdag pa ni Xi, buong tatag na kinakatigan ng Tsina ang pag-unlad ng SCO, at nakahandang magsikap, kasama ng iba't ibang panig, upang itatag ang mas mahigpit na regional community with a shared future, at mapasulong ang pagtatatag ng community with a shared future ng sangkatauhan.
Salin: Vera