|
||||||||
|
||
Kinondena Sabado, Hunyo 2, 2018, ng Palestina ang pagbeto ng Amerika sa panukalang resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC) tungkol sa pagkakaloob ng pandaigdigang proteksyon sa mga mamamayang Palestino na nagresulta sa di-pagpasa ng nasabing resolusyon.
Sinabi ni Riyadal Malki, Ministrong Panlabas ng Palestina, na ang nasabing kagawian ng Amerika ay nagpapakitang pumapanig ito sa "Pagsalakay at Pagsakop" ng Israel.
Ani Malki, ganap na binalewala at tumalikod ang Amerika sa pundasyon ng prosesong pangkapayapaan ng Palestina at Israel. Magbabayad ng malaking kapinsalaan ang Amerika dahil dito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |