Ayon sa press communique na inilabas Miyerkules, Mayo 23, 2018, ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons, noong Mayo 17, iniharap na ng Palestina sa Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang dokumento tungkol sa pagsapi sa Convention on the Prohibition of Chemical Weapons, at ito'y magkakabisa para sa Palestina sa ika-16 ng Hunyo.
Samantala, ang Convention on the Prohibition of Chemical Weapons ay nagsimulang magkabisa noong ika-29 ng Abril, 1997. Ang nukleong nilalaman nito ay ganap na pagsira sa mga sandatang kemikal at mga kaukulang instalasyon sa buong mundo sa lalong madaling panahon. Sa kasalukuyan, 192 signataryong bansa ang sumapi sa kombensyon.
Salin: Vera