Hindi nakapasa sa pagboto na ginawa kahapon, Biyernes, Hunyo 1 2018, ng United Nations Security Council (UNSC), ang dalawang panukalang resolusyon hinggil sa isyu ng Palestina.
Ang unang panukalang resolusyon ay iniharap ng Kuwait, bilang panawagan sa pagsasagawa ng mga hakbangin, para igarantiya ang kaligtasan ng mga sibilyan sa mga sinasakop na teritoryo ng Palestina, na kinabibilangan ng Gaza Strip. Bilang pirmihang miyembro ng UNSC, bumoto ng pagtutol ang Amerika, at hindi napagtibay ang panukala.
Ang ikalawa namang panukalang resolusyon ay iniharap ng Amerika, hinggil sa kahilingan sa pagkondena sa mga marahas na aktibidad na ginawa kamakailan ng Palestinian Islamic Resistance Movement (HAMAS) sa Gaza Strip. Ang Amerika ay siyang tanging bansang bumoto ng pagsang-ayon, at hindi rin napagtibay ang panukala.
Salin: Liu Kai